𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | UAP Isabela Sierra Madre Amianan Chapter, Nagsagawa ng Outreach Program Katuwang ang UAPSA ISU Ilagan at Architectural and Construction Firms ng Isabela.

Oktubre 18, naki-bahagi ang UAPSA ISU Ilagan officers sa Outreach Program na pinangunahan ng UAP Isabela Sierra Madre Amianan Chapter sa Barangay San Jose, San Mariano, Isabela kasabay ng pagdiriwang ng World Architecture Day 2025.
Pinamunuan ni Ar. Khristian Dave Talaue, RMP, Presidente ng UAP Isabela Sierra Madre Amianan Chapter, kasama ang ilang Architectural at Construction Firms, ang pagsasagawa ng inisyatibong ito upang tulungan ang mga mamamayan ng Barangay San Jose at ang mga katutubong Aeta ng San Mariano.
Masiglang sinalubong ng mga residente ang mga Arkitekto ng Isabela na nagdala ng personal hygiene kits, laruan, at pagkain.
Binigyang-diin ni Ar. Tristan James Flores, District Director ng Area 1B, ang pagbuo ng pagkakaisa at ang kahalagahan nito sa mga Arkitekto ng Isabela.
“Ito ay napakagandang event, dahil nagpapakita ito ng ‘Strength in Collaboration’. Lahat ay nagtulungan, lahat ay nagsama-sama upang mapagtagumpayan natin ang selebrasyong ito,” ani niya.
[ Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]