𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | UAPSA ISU Ilagan, Nakiisa sa Tree Planting Activity ng UAP Isabela Sierra Madre Amianan Chapter

Nagsagawa ng inisyatibo ang United Architects of the Philippines Isabela Sierra Madre Amianan Chapter at iba pang Architectural at Construction Firms sa kanilang Tree Planting  sa Casala, San Mariano, Isabela kasabay ng pagdiriwang ng World Architecture Day sa ika-18 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay-daan sa mga Arkitekto ng Isabela na magkaisa sa pagdiriwang, gayundin sa pagpapahalaga sa kalikasan ng San Mariano.

Pinangunahan ng UAP Isabela Sierra Madre Amianan Chapter President na si Ar. Khristian Dave Talaue, RMP ang pagpili ng lugar ng kanilang pagtataniman kung saan binigyang-diin ang pagpapahalaga sa kalikasan ng Isabela at pagpapatibay sa kabundukan ng Sierra Madre.

“Ginawa namin ito upang mas mapatibay ang kabundukan ng Sierra Madre upang mapatibay natin ang ating kalikasan na tutulong sa ating komunidad” ani niya.

Dumalo at tumulong din ang mga Officers ng UAPSA ISU Ilagan sa pamumuno ni Marc Bien Lungub, Chapter President. Nagpapasalamat ang samahan sa pagtanggap at pagpili sa kanilang organisasyon upang maging bahagi ng aktibidad na ito.

Nagbigay rin ng pasasalamat ang District Director ng Area 1B na si Ar. Tristan James Flores sa mga sumama sa pagtatanim ng narra sa kabundukan ng Sierra Madre, gayundin sa mga tumulong na Architectural at Construction Firms.

Sambit niya, “With the theme ‘Design for Strength,’ lahat ng tulong-tulong, lahat nagsama-sama para mapagtagumpayan ang selebrasyon na ito.”

Inaasahan naman na sa susunod sa selebrasyon ay maulit muli ang ganitong aktibidad at mas mapalaganap pa ang pag kakaisa at pagtutulungan ng mga Arkitekto ng Isabela na mas mapatibay ang Bundok ng Sierra Madre.

[ Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]