NEWS | Innovative Architecture at High-Rise Building Concept, Bida sa ISU Ilagan Research Caravan

May 7 2026 — Tampok ang pagkamalikhain, inobasyon, at husay sa disenyo ng mga estudyante ng Architecture Department sa ginanap na ISU-Ilagan Research and Extension Caravan sa New CEAT AVR ng ISU-Ilagan Campus.

Sa ilalim ng temang “Bridging Innovation and Communities: Accelerating SDG Solutions through Research, Extension, and Stakeholder Collaboration,” naging sentro ng atensyon ang mga architectural scale models at high-rise building proposals na ipinresenta ng mga Architecture students bilang bahagi ng kanilang akademikong pananaliksik at disenyo.

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang iba’t ibang konsepto ng modernong gusali na nakatuon hindi lamang sa easthetics kundi pati na rin sa sustainability, functionality, at community-centered design.

Kabilang sa mga itinampok ay mga futuristic high-rise structures, mixed-use developments, at institutional building concepts na nagpapakita ng kakayahan ng mga estudyante sa pagresolba ng mga suliraning urban at pangkomunidad sa pamamagitan ng Arkitektura.

Dinumog ng mga bisita, guro, at stakeholders ang exhibit area upang masaksihan ang detalyadong scale models, architectural presentations at iba oang mga research prototypes ng ibang mag-aaral ng ISU Ilagan mula sa iba’t ibang departamento.

Naging inspirasyon din sa mga estudyante ang pagsasama ng pananaliksik at aktwal na aplikasyon sa disenyo, patunay na ang arkitektura ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng mga gusali kundi pati na rin sa paglikha ng mga espasyong may positibong epekto sa lipunan.

Sa pagtatapos ng programa, naging matagumpay ang caravan bilang isang plataporma upang maipakita ng mga estudyante ng Architecture ang kanilang kakayahan, ideya, at ambisyon para sa hinaharap ng disenyo at urban development.

[Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]