𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | Architecture Department, nakiisa sa Junior Professor – Teacher Assumption Event ng ISU Ilagan

Dedikasyon, Awtoridad, at Talento — ilan lamang ito sa mga pinamalas ng mga Junior Professor-Teacher Assumption ng bawat departamento ng Isabela State University – Ilagan Campus alinsunod sa gaganaping Teachers’ Day Celebration sa ikalawa ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Sa pangunguna ng Supreme Student Council ng ISU Ilagan, tiniyak na lahat ng mga professor ay makakapagpahinga sa kani-kanilang trabaho o pagtuturo, na siyang ginampanan ng mga piling estudyante ng bawat departamento bilang kanilang kapalit.
Binigyan ng awtoridad ang mga Junior Professor sa pamamagitan ng Oath Taking sa pamumuno ni Cluster Executive Officer, Eng. Alfonso R. Simon, PhD, na sinundan ng maiksing orientation para sa kanilang responsibilidad at karapatan bilang isang Junior Professor
Nakiisa sa programa ang Architecture Department sa pagganap bilang Junior Professor-Teacher Assumption na pinangunahan ng nga student-leaders ng nasabing departamento.
Isa si Marc Bien Lungub, United Architects of the Philippines Student Auxiliary – ISU Ilagan Campus President, sa mga nagpamalas ng kaniyang galing at dedikasyon sa pag tuturo sa mga Architecture students.
Ayon sa kaniya, “Nakakapagod pero fulfilling siya once na nakikita mong may natututunan sa’yo yung mga student.”
Kapalit ng kanilang pagtuturo at pagbahagi ng talento, nakiisa ang mga estudyante sa kanilang pangangatawan bilang isang Professor.
Ayon kay Sid Tamayo, estudyante ng Architecture Department, “Nakaka-applaud kasi sa kabila na hindi sila professor in profession, nagbahagi sila ng knowledge na in another level, kahit sa maikling oras ay hindi nila kami binigong matulungan at maturuan sa mga lessons namin.”
[ Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]