πππππ§π |Β One Step Ahead: Nakibahagi at nakipagsabayan ang UAPSA ISU Ilagan sa mga bigating kumpanya sa A1Buildex 2026

Enero 22β24 β Dumalo ang UAPSA ISU Ilagan sa kauna-unahang district-level Builders Expo and Convention na ginanap sa Isabela Convention Center, Cauayan City, na inorganisa ng United Architects of the Philippines District A1-B.
Sa pangunguna ng District Director ng A1-B na si Ar. Tristan James A. Flores, binuo ang A1Buildex na may temang βBuilding Experience, Building Excellence,β na naglalayong palakasin ang kolaborasyon at itampok ang makabagong solusyon sa ngalan ng arkitektura at konstruksyon.
Sa tatlong-araw na programa, dinumog ng mga bigating arkitekto, inhinyero, property owner, at contractor ang buong convention. Gayunpaman, hindi rin pinalampas ng mga architecture students ng ISU Ilagan ang pagkakataong matuto at tuklasin ang mga top-tier supplier sa Pilipinas na nagdala ng mga pinakabagong inobasyon sa larangan ng konstruksyon.
Mula sa mga inimbitahang malalaki at nagbibigating kumpanya, naanyayahan din ang United Architects of the Philippines β Students Auxiliary bilang maging parte ng mga exhibit.
Sa pamumuno ni Marc Bien Lungub, UAPSA ISU President, ipinamalas ng organisasyon ang kanilang galing sa larangan ng sining at kahusayan sa larangan ng arkitektura sa pamamagitan ng pagbebenta ng UAPSA merchandise at mga painting.
βWhen we first learned that UAPSA would have its own booth at A1Buildex, the team was filled with excitement. We decided to curate a collection of merchandise, including button pins, customizable keychains, and original paintings,β ani niya.
Dagdag pa rito, hatid din ng mga mag-aaral ang malaking pasasalamat sa pagkakataong makisama at salamuhain ang A1Buildex kasama ang mga bigating kumpanya at international architects.
[Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]