NEWS | Architecture Students ng ISU-Ilagan nakilahok sa “AuthentiCITY of Ilagan” Rock Painting Competition

Aktibong nakilahok ang Departamento ng Arkitektura ng Isabela State University–Ilagan Campus sa isang malikhaing kompetisyon na tampok ang pagpipinta sa mga bato bilang canvas upang maipakita ang pagkakakilanlan ng Lungsod ng Ilagan.

Idinaos ngayong Mayo 8 ang kompetisyon na may temang “AuthentiCITY of Ilagan,” kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at pagkamalikhain sa sining. Sa pamamagitan ng kanilang mga obra, itinampok nila ang mga kilalang tanawin ng lungsod, ang sipag at pagkakakilanlan ng mga magsasakang Ilagueño sa larang ng kultura at kaunlaran ng siyudad, gayundin ang mga produktong ipinagmamalaki ng Ilagan.

Buong suporta namang ipinahayag ng UAPSA Adviser na si Ar. Jefsie M. Antonio, kasama ang mga faculty ng Departamento ng Arkitektura, na siyang nanghikayat at gumabay sa mga estudyante upang makiisa at ipakita ang kanilang talento sa nasabing kompetisyon.

Matapos ang paligsahan, apat na estudyante mula sa Departamento ng Arkitektura ng ISU-Ilagan ang itinanghal na mga nagwagi, nakamitin ni Janela Diaz ang kampeon, na sinunadan ni Jan Cent Gonzales bukang 1st Runner-up, Lyka Bernardo bilang 2nd Runner-up, at Paul Senense bilang 3rd Runner-up.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang LGU City of Ilagan, kasama si City Tourism Officer, Ma’am Ma. Cristina R. Simon, sa aktibong pakikilahok at suporta ng Departamento sa nasabing kompetisyon.

[Correspondent : ISU-Ilagan Architecture Department]